P3.7M na shabu nasamsam sa bebot na suspek na tulak

Alfred Dalizon Mar 30, 2025
22 Views

ISANG babaeng pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga sa Calabarzon ang nadakip na may pag-iingat na mahigit P3.7 milyong halaga ng shabu ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Police Regional Office 4-A sa buy-bust sa Calamba City, Laguna, noong Huwebes.

Sa report kay PDEA Director General Isagani Nerez, kinilala ang akusado na si alyas na Irene, 42, na nahuli sa operasyon sa Bucal bypass road sa Purok 3, Brgy. Bucal.

Nakuha sa kanya ang humigit kumulang na 550 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P3.740 million at buy-bust money.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (possession of dangerous drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang nahuling suspek, ayon sa mga pulis.