Calendar

P312K na shabu nasamsam sa 3 suspek na tulak
CAMP BGEN Vicente P. Lim–Tatlong drug suspek ang nahuli at nakuhanan ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P312,800 sa Sitio Tapayan Uno, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Nahuli ng mga otoridad mula sa Drug Enforcement Team ng naturang bayan si alyas Jomar, 41.
Isinagawa ang operasyon sa magkakaibang lugar bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng CALABARZON police laban sa droga, alinsunod sa direktiba ng Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas.
Samantala, nasakote ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit ang dalawa pang drug suspek sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.
Nakumpiska mula sa kanila ang 30 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P204,000.
Pinuri ni P/BGen. Lucas ang mga pulis. “Hindi titigil ang PRO 4A sa pagtugis sa mga sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga,” sabi ng pulis.