Drugs Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga na natimbog sa Mel Lopez Blvd., Baseco compound, Port Area, Manila.

P374K na shabu nasamsam sa tulak

Jon-jon Reyes Dec 8, 2025
372 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang lalaking may dalang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000 sa 2nd St. corner Mel Lopez Boulevard, Baseco compound, Brgy. 649, Port Area, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas MJ, 31, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander ng MPD Baseco police station 13.

Nahuli ang suspek bandang alas-2:30 ng hapon ni P/Lt. Mark Jason Ramos, chief ng Station Drugs Enforcement Unit (SDEU-MPD).

Nakumpiska sa suspek ang isang P1,000 bill na may kasamang anim na computer-generated P1,000 bills na ginamit bilang buy-bust money, dalawang sachets na naglalaman ng 55 na gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P374,000.

Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).