Tangay Source: PNP file photo

P450K, $1.3K natangay ng Salisi gang mula tindahan ng prutas

Bernard Galang Dec 14, 2025
295 Views

ANGELES CITY, Pampanga–Nawalang P450,000, $1,300 at iba pang mahahalagang gamit ang may-ari ng tindahan ng prutas sa Brgy. San Nicolas dito noong Sabado na sinasabing kagagawan ng Salisi gang.

Sa ulat, nag-aasikaso ng mga customer sa tindahan ng prutas sa harap ng Mercury Drug nang ilagay ang kanyang bag sa isang mesa at pansamantalang maiwang walang nagbabantay.

Nang mapansin niyang nawawala na ang bag, iniulat ng biktima, kasama ang kanyang asawa, ang insidente sa pulisya.

Naglalaman ang ninakaw na bag ng dalawang passport, tatlong bankbook ng BPI, isang bankbook ng Porac Bank, isang BPI credit card, P450,700, $1,300, at hindi pa matukoy na cash amount sa iba’t-ibang foreign currencies.

Sa pagsusuri sa closed-circuit television (CCTV), nakita ang limang hindi pa nakikilalang indibidwal na pinaniniwalaang nagsabwatan sa pagkuha ng bag at tumakas sakay ng Isuzu Crosswind (XML 477) patungong Brgy. Cutcut, Angeles City.