BOC Source: BOC-NAIA

P56.5M illegal na droga nasamsam ng BOC-NAIA sa NAIA-Terminal 2

66 Views

NASAMSAM ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tinatayang P56.55 milyong halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Agosto 13 at 14 sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

Ayon sa BOC, naaresto ang South African passenger na dumating mula sa Abu Dhabi sakay ng Etihad Airways flight EY424 noong Agosto 13. Mayroon umano itong dalang 5.256 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P35.8 milyon.

Nang sumunod na araw, nasakote naman ang pasaherong mula sa Thailand at dumating sa bansa sakay ng Thai Airways flight TG620. Nahuli sa kanya ang 14.825 kilo ng Kush, isang mataas na uri ng marijuana, na nagkakahalaga ng P20.7 milyon.

Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang iligal na droga ay inilipat na sa pangangalaga ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Muling nagbigay ng babala si Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa mga magtatangkang magpuslit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

“The BOC will remain vigilant in protecting our borders against the smuggling of illegal goods, sabi ni Commissioner Rubio.

Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Yasmin O. Mapa, nangako ang BOC NAIA na ipagpapatuloy ang maigting na kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot at pangangaiagaan ang border ng bansa.