Droga Ang mga nasabat na ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit kumulang P75 million sa buy-bust sa Ermita, Maynila. Kuha ni JonJon Reyes

P75M nakumpiska mula kelot sa condo sa Ermita

Jon-jon Reyes Aug 30, 2024
156 Views

NALAMBAT ng mga pulis ang isang 37-anyos na suspek na tulak na may dalang droga na nagkakahalaga ng halos P75 milyon at kasama nito sa joint operation ng Drugs Enforcement Group kasama ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa isang condominium sa Brgy. 676, Ermita, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang naaresto na si alyas Jepoy at kasama niyang si alyas Rodel.

Ayon sa ulat ni Police Major Brent Salazar, dakong alas-7:45 ng gabi ng magsagawa ng buy-bust sa naturang lugar kung saan natimbog ang dalawang suspek.

Umabot sa 10 kilong droga ang nakumpiska ng mga awtoridad na may street value na P74.8 milyon.

Narekober din ang mga epektos na nasa eco bag na naglalaman ng isang genuine P1,000 bill, 8 bundles ng P1,000 bill na boodle money, 11 silver aluminum foil pack, isang Oppo cellphone, isang Nokia cellphone, isang bank passbook, 1 cash transaction slip at 1 brown wallet pouch.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Article ll, Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 na inihanda ng Manila City Prosecutor’s Office.