PAL

Paalala ng PAL bawal magdala ng baboy

218 Views

IPINAAALALA ng Philippine Airlines (PAL) sa mga pasahero nito na ipinagbabawal ang pagdadala ng pork product sa mga domestic flights, isang hakbang na ginawa upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa PAL saklaw ng pagbabawal ang hilaw at lutong baboy maging carry man o naa-checked-in ang bagahe.

“For a hassle-free journey, please ensure you are not carrying any of the above pork products,” sabi ng PAL.

Ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang pork product sa Bacolod (BCD), Butuan (BXU), Cagayan de Oro (CGY), Caticlan (MPH maliban na lamang kung sa ibang lugar sa Visayas manggagaling), Davao (DVO), Dipolog (DPL), General Santos (GES), Iloilo (ILO), Kalibo (KLO), Puerto Princesa (PPS), Roxas (RXS), Tagbilaran (TAG), Antique (EUQ), at Zamboanga (ZAM).