Martin1

Paalala ni Romualdez sa Kongreso: Iahon mga Pilipino sa kahirapan

146 Views

PINAALALAHANAN ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga kasamahan sa Kongreso na isaalang-alang ang kapapakanan ng mahihirap na constituents nila, alinsunod na rin sa kagustuhan ng administrasyong Marcos na iahon sa kahirapan ang mga Pilipino dulot ng pandemya.

“Let us prioritize the needs of our constituents first and foremost,” paalala pa ni Speaker Romualdez, sa mga kasamahan sa isang Thanksgiving Dinner sa Taguig.

Nabatid na ang tinutukoy ng lider ng Kongreso ay paghahain ng mga batas na makakatulong na maingat ang kalidad ng buhay ng mga pilipino lalo na iyong mga nasa mahirap na sektor.

Kaya noong mga nakalipas na buwan ay pinaimbestigahan ng Kongreso kung bakit mataas ang presyo ng sibuyas.

Natukoy na hinord lang pala ang mga sibuyas ng mga negosyante kaya naman muling naglabasan ang mga sibuyas at bumaba ang presyo nito.

Kaya naman patuloy ang pag-file ng mga panukalang batas sa Mababang Kapulungan ngayon para kalidad ng buhay ng mamamayan.

“Wag natin kalimutan kaya tayo dito dahil nilagay tayo ng mga constituents natin para tulungan sila,” paalala ni Romualdez.