Pacquiao

Pacquiao isusulong National Sports Academy sa LuzViMinda

Mar Rodriguez Feb 22, 2025
22 Views

BACOLOD CITY – ISUSULONG ng dating senador at tinaguriang “Pambansang Kamao” na si Manny “Pacman” Pacquiao ang pagtatayo ng “National Sports Academy” sa Luzon, Visayas at Mindanao na naglalayong makapag-hubog at makapag-sanay ng mga panibagong breed o bagong henerasyon ng mga Pilipino athletes.

Sinabi ng isa sa mga pambatong Senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) na pangarap aniya nito noong pa ang pagsusulong ng National Sports Academy na pina-plano niyang itatag sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ipinaliwanag ni Pacquiao na ang pangunahing layunin ng kaniyang pina-plano ay upang makapag-hubog at makapag-sanay ng mga panibagong breed ng mga Filipino athletes na susunod sa yapak ng mga kilala at sikat na atleta na nagbigay ng karangalan para sa bansa.

Aminado ang binsansagang “the people’s champ” na maraming mga sikat atleta ang hindi na ngayon lumalahok sa mga international competitions at sport events bunsod ng kanilang edad o ilan sa kanilang ang matatanda na gaya ng billiard king na si Efren “Bata” Reyes.

Dahil dito, sabi ni Pacquiao na sakaling siya ay papalarin na makabalik sa Senado pagkatapos na May mid-term elections, ang unang magiging order of business nito ay ang paghahain ng panukalang batas para maisakatuparan ang education at sports development.

“Pangarap ko ang maisulong ang isang batas para sa pagtatayo ng National Sports Academy sa Luzon, Visayas at Mindanao upang mabigyan ng patas na oportunidad at de-kalidad na pagsasanay ang mga atletang kabataan kahit na sila ay nasa malayong lugar,” wika ni Pacquiao.

Ipinahayag pa ng dating senador na isusulong nito sa Senado ang pag-aamiyenda sa Republic Act No. 11470 na pumasa noong June 20, 2020 o mas kilala bilang “An Act Creating and Establishing the National Academy of Sports”. Subalit nais ni Pacquiao na makapagtayo ng sports infrastructure sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Pacquiao, ang pag-aamiyenda sa RA No. 11470 ang magbibigay daan upang mabigyan ng modern training equipment ang mga sasanaying kabataang atleta. Habang ihahain din nito ang pag-amiyenda sa RA No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act para mas lalo pang mapalakas ang suporta sa mga atleta.