Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Pacman3

Pacquiao muling binalikan ang Saranggani

Mar Rodriguez May 2, 2025
18 Views

Pacman4MULING binalikan ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang lugar na kaniyang pinagmulan kung saan nag-umpisa ang kaniyang karera bilang tanyag na boksingero at kalaunan ay makilala bilang “Pambansang Kamao” – ang lalawigan ng Saranggani.

Bumalik si Pacquiao sa Kiamba, Saranggani hindi bilang isang sikat na personalidad at dating boksingero kundi bilang isang anak na umuuwi sa kaniyang pinagmulan.

Sabi ni Pacquiao na ang kaniyang pagbisita sa kaniyang pinagmulang lalawigan ay kapwa personal at politikal dahil sa kaniyang malalim na ugnayan sa Saranggani kung saan ito ang naging dahilan para siya ay makilala sa larangan ng boksing at makapag-silbi naman bilang kongresista at senador.

Dahil dito, tiniyak ng dating senador na kung siya ay papalaring makabalik sa Senado. Sisikapin nitong isulong ang pag-unlad sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng libreng pabahay para sa mga kapos-palad at pagbibigay ng tulong para naman sa mga biktima ng kalamidad, pagkakaloob ng scholarship para sa mga batang mahihirap at ang pagsusulong ng programang pangkabuhayan.

“Ang Kiamba, hindi lang basta lugar para sa akin. Pamilya ko ito, taga-rito rin si Jinkee at mga kamag-anak namin kaya napakalapit ng Kiamba sa puso ko,” ani Pacquiao.

Binigyang diin ng dating senador na ang kaniyang mga ipinahayag ay hindi lamang isang pangako sa kampanya. Kundi isang adbokasiya na naglalayong patuloy na ipaglaban at mapaunlad ang buong bansa.

“Ang pangarap ko sa Kiamba ay hindi lang basta pagbibigay ng tulong. Gusto kong makita ang bawat pamilya na may sariling bahay, may edukasyon ang mga bata at may maayos na hanapbuhay ang mga magulang. Ito ang ipagpapatuloy kong laban sa Senado,” wika pa ni Pacquiao.