Calendar

Pacquiao nais tumanaw ng utang na loob sa lalawigan, bayang kinalakihan
KIBAWE, BUKIDNON — Nais tumanaw ng “utang na loob” ni Pambansang Kamao at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao sa lalawigan at bayang ito kung saan siya isinilang at nagka-isip.
Muling nagbalik ang dating senador sa Kibawe, Bukidnon para pagtibayin nito ang kaniyang panata para sa kaniyang mga kababayan.
Ipinahayag ng mga kababayan ni Pacquiao ang kanilang 100% suporta para sa kaniyang kandidatura kasunod nito ang pagpapahayag ng kanilang taos pusong pasasalamat.
Inilatag naman ng dating senador sa kaniyang mga kababayan ang mga layunin nito sa kaniyang pagbabalik sa Senado.
“Hindi ko nalilimutan kung saan ako nanggaling at babalik ako para sa inyo dahil kailangan kong tuparin ang aking mga pangako,” sabi nito.
Binanggit ni Pacquiao ang mga panukalang batas at plataporma na kaniyang isusulong sakaling siya ay mabibigyan ng pagkakataon na makabalik sa Senado.
Ayon sa kaniya, nakatuon ang kaniyang priorities sa countryside development o ang pag-unlad ng mga liblib ma lugar upang mapabuti ang kabuhayan at kalidad ng buhay ng mfa Pilipino sa kanayunan.
Habang isusulong din ni Pacquiao ang libreng pabahay para sa mga mahihirao at biktima ng kalamidad. Kabilang dito ang pagsulong ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga sports program, malawakang access sa edukasyon para sa lahat ng Pilipino at pagsasa-ayos ng mga imprastraktura.
Samantala, para kay Pacquiao ang naging tunggalian ngayong 2025 mid-term elections ay hindi politikal kundi pagkakaisa sapagkat magkaka-iba naman ang kanilang mga partido. Iisa naman ang kanilang layunin. Ang mapagsilbihan ang mamamayang Pilipino.
Sabi nito, hindi politika kundi pagkakaisa ang nag-iisang layunin ng lahat ng mga kandidato.
To God be the Glory