Maulan

Pagasa: Malaking parte ng bansa maulan sa katapusan ng linggo

96 Views

MAULAN ang weekend sa malaking parte ng bansa dahil sa dalawang low pressure areas (LPA) na nasa loob ng Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Nagsimula noong Biyernes ang kalat-kalat na pag-ulan na maaaring magpatuloy sa buong weekend.

“Almost the entire country will have cloudy skies and rains,” pahayag ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio.

Namataan ang unang LPS sa Calapan, Oriental Mindoro at nasa Eastern Visayas ang pangalawang LPA.

Dahil sa buntot ng dalawang LPA nagkakaroon na ng pag-ulan sa Palawan, Mindoro, Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol region, Western Visayas, Marinduque at Romblon.

Nagbabala ang Pagasa na maaaring magkaroon ng pagbaha at landslides dahil sa patuloy na pag- ulan.