Poa

Pagbabalik ng simula ng pasukan sa Hunyo aabutin ng 3-5 taon

Arlene Rivera Jul 11, 2023
304 Views

AABUTIN umano ng tatlo hanggang limang taon bago tuluyang maibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa pinag-aaralan ng ahensya ang pagbabalik ng bakasyon tuwing Abril at Mayo mula sa kasalukuyang Hulyo hanggang Agosto.

“If we decide to go back, it won’t happen this year. In fact from the findings given to me, it would take to at least 3 to around 5 years ideally…because we have to maintain a certain number of school days,” ani Poa.

Nanawagan ang mga mambabatas na ibalik sa dati ang school calendar bunsod ng labis na init sa mga paaralan na nararanasan noong Abril at Mayo.

Nausog ang pagsisimula ng klase noong 2022 dulot ng COVID-19 pandemic.