“Hello, Love Again’ tuloy na tuloy na
May 19, 2024
77th birthday party ni Lolit dinagsa ng mga artista
May 19, 2024
Calendar
Nation
Leave ni Sec Frasco walang kinalaman sa kontrobersyal na tourism rebranding
Peoples Taliba Editor
Jul 11, 2023
105
Views
WALANG kinalaman sa kontrobersyal na tourism rebranding ang pagli-leave ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Ayon sa DOT Office of Public Affairs and Advocacy naghain ng leave si Frasco noon pang Mayo 9 o mahigit isang buwan bago inilungsad ang Love the Philippines tourism campaign.
Ang leave ni Frasco ay inaprubahan umano ng Office of the President noon pang Mayo 23.
Ayon sa DOT, si Frasco ay naka-leave mula Hulyo 13 hanggang 21 upang makasama ang kanyang pamilya.
Kumpirmado din umano ang pagdalo ni Frasco sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Habang wala, si DOT Undersecretary Elaine Bathan umano ang magsisilbing officer-in-charge sa ahensya.
Tingog Partylist nanguna sa RPMD performance survey
May 19, 2024