Frasco

Pagbibigay serbisyo ni Frasco para sa kaniyang mga kababayan: “non-stop”

Mar Rodriguez Jun 18, 2024
105 Views

Pagbibigay serbisyo ni Frasco para sa kaniyang mga kababayan: “non-stop”Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4𝗠𝗜𝗦𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 “𝗺𝗮𝗮𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗹𝗶𝗸𝘂𝗹𝗮” 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 “𝗻𝗼𝗻-𝘀𝘁𝗼𝗽” 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.

Mas lalong pinatotohanan at pinatunayan ni Frasco ang kaniyang pagiging “action man” sapagkat ipinakita nito na hindi lamang sa pamamaraan ng salita ang kaniyang paglilingkod kundi sa pamamagitan din ng gawa.

Ito ay matapos na tunguhin o puntahan ni Frasco ang Munisipalidad ng Liloan para mamahagi ng tinatayang P1,762,000 halaga ng tulong o ayuda para sa mahigit 220 beneficiaries na magagamit nila para sa medical at burial assistance para sa yumao nilang mahal sa buhay kabilang na dito ang pamimigay ng libreng scholarship.

Muling binigyang diin ni Frasco na habang naka-break ang session ng Kamara de Representantes, pagkakataon niyanng matulungan ang mga kababayan na may matinding pangangailangan.

Ayon kay Frasco, hindi lang naman sa pagbabalangkas ng mga panukalang batas nakatutok ang kaniyang atensiyon bagkos sa pagkakaloob o pamamahagi din ng de-kalidad na serbisyo at paglilingkod para sa kaniyang mga kababayan.

Nais ni Frasco na maipadama sa kaniyang mga kababayan ang tunay na kahulugan ng serbisyo publiko kaya naman hindi aniya siya humihinto sa pagbibigay ng tulong sa iba’t-ibang pamamaraan.

Kasabay nito, ikinagalak din ni Frasco ang matagumpay na pagbubukas ng sangay ng Jollibee sa Munisipalidad ng Compostela na isang malinaw na testamento o pagpapatunay ng positibong investment sa nasabing lugar.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng House Deputy Speaker na optimistiko siya na marami pang investment o pamumuhunan ang mangyayari sa Compostela na isang tanda ng isang maunlad na ekonomiya.