Frasco

Pagbigay serbisyo tinodo ni House Deputy Speaker Duke Frasco

Mar Rodriguez Sep 5, 2023
157 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4TODO NA TO’. Ganito marahil ang nais ipahiwatig ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco kaugnay sa patuloy na pagbibigay nito serbisyo para sa kaniyang kababayan kasabay ng paglulunsad ng isa na naman infrastructure project sa Cebu City.

Pinangunahan ni Frasco ang inagurasyon ng Cotcot River Flood Control Project sa Barangay Tamiao, sa munisipalidad ng Compostela – Barangay Cotcot na nagkakahalaga ng P98 million.

Sinabi ni Frasco na layunin ng nasabing proyekto na itinuturing nitong isang “vital infrastructure project” na maprotektahan ang mga residente na naninirahan sa tabing ilog laban sa pagtaas ng tubig bunsod ng malakas na ulan at pagbaha partikular na sa panahon ng bagyo.

Bago ang paglulunsad at inagurasyon ng Cotcot River Flood Control Project, nagkaloob din si Frasco sa kaniyang mga kababayan ng ayuda na nagkakahalaga ng P1.6 million cash assistance para sa 369 benepisyaryo at residente ng Catmon Cebu. Kung saan, ang bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng P4,350.

Dahil dito, pinatotohanan ni Frasco ang modernong litaniya ng mga kabataan na “Sana All”. Ito ay matapos siyang mamahagi ng nasa P3.8 million halaga ng cash assistance para sa lahat ng 887 beneficiaries ng Liloan, Cebu na itinuturing na indigent o nasa mahirap na kalagayan.

Ipinaliwanag ni Frasco na hindi lamang ang mga infrastructure projects ang kaniyang tinututukan. Bagkos maging ang pamamahagi niya ng tulong pang-pinansiyal ang isa sa kaniyang mga prayoridad para matulungan ang kaniyang mga kababayan mula sa kanilang kalagayan.

Ipinahayag ng kongresista na kabilang sa mga recipients na nakatanggap ng P4,350 cash assistance ay mula sa sektor ng Liloan Hog Raisers and Growers o ang mga nag-aalaga ng mga baboy.

Kung saan, ang kanilang hanap-buhay ay lubhang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Cebu.