PCG

PCG rescuer nasawi sa rescue operation

87 Views

ISANG rescuer ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog habang nagsasagawa ng search and rescue (SAR) operation sa La Union nitong Martes, Setyembre 5.

Isa si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano Nesperos sa mga miyembro ng Special Operations Group-North Western Luzon (SOG-NWLZN) na rumesponde sa “drowning incident” sa Sitio Daeng, Barangay Halog East, Tubao.

Pagdating sa lugar ng insidente, dahan-dahang tumawid si Nesperos para i-secure ang “safety line” sa kabilang bahagi, ngunit nawalan siya ng balanse at tuluyang tinangay ng rumaragasang ilog.

Wala na umanong malay-tao si Nesperos ng marekober ng kanyang mga kasamahan.

Agad siyang dinala sa La Union Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.