Calendar
Provincial
Pagkakaloob ng kinatawan ng mga BHWs sa bawat bayan, lungsod at probinsiya, suportado ng House panel
Mar Rodriguez
Sep 4, 2023
531
Views
SINUSUPORTAHAN ni House Committee on Poverty Alleviation Chairman at 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagsasabatas sa House Bill No. 7447 upang magkaroon ng representasyon ang mga Barangay Health Workers (BHWs) sa local health board sa bawat bayan, lungsod at probinsiya.
Binigyang diin ni Romero na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng puwesto ng mga BHWs sa mga lokal na health boards, magkakaroon aniya sila ng boses sa pamamahala sa aspeto ng kalusugan ng publiko.
Sinabi ni Romero na kabilang na dito ang pamamahala ng mga BHWs sa tinatawag na public policies kasama na dito ang pagtataguyod sa kapakanan at benepisyo ng mga kapwa nila BHWs sa health board ng bawat bayan, lungsod at lalawigan.
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
UPLB 4PH Rental Housing Project ginagawa na
Aug 24, 2026
PAGDINIG SA ZAMBOANGA SCHOOL SHOOTING
Aug 24, 2026
2 arestado sa P1.5M Kush na halagang P1.5M
Aug 24, 2026
7 nasapot ng parak sa sabong ng gagamba sa Batangas
Aug 24, 2026

