Acidre House Assistant Majority Leader Jude Acidre

Paghahain ng petisyon sa SC nagpapakita na VP Sara takot sa impeachment trial

33 Views

ANG paghahain umano ni Vice President Sara Duterte ng petisyon sa Supreme Court (SC) ay nagpapakita na takot ito sa impeachment trial na isasagawa ng Senado.

Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list matapos hilingin ni Duterte sa Korte Suprema na pigilan ang napipintong Senate impeachment trial kung saan maisasapubliko ang mga ebidensya laban sa kanya.

Hiwalay pa ito sa kaparehong petisyon na inihain ng ilang abogado mula Davao na konektado sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

“The Vice President is clearly rattled. Her desperation is showing, and no amount of political maneuvering can hide it,” ani Acidre.

“She should be scared—because the truth is closing in, and no amount of deception will save her from it,” saad pa ng solon.

Puna rin ni Acidre na ang petisyon ay taliwas sa nauna nang pahayag ng Bise Presidente na welcome sa kanya ang inihaing reklamo na nilagdaan ng 215 na miyembro ng Kamara de Representantes at naipadala na sa Senado.

“Now, she’s pulling every trick in the book to stop it from moving forward. If she truly had nothing to hide, why the sudden fear? Her hypocrisy is staggering,” wika ng House leader.

“And she has every reason to be scared. The House Prosecution Panel is prepared to lay out damning evidence against her, and the Filipino people are watching. A recent survey shows that 73 percent believe she must face a Senate trial for her alleged role in a plot against President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez,” sabi pa niya.

Ang pagbabanta ni VP Duterte laban sa Pangulo, Unang Ginang at kay Speaker Romualdez ang Article of Impeachment No. 1 sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Sinabi ng mga miyembro ng House prosecution team na mabigat ang ebidensya sa paratang na ito, kabilang ang mga video ng kanyang press conference noong Nobyembre 23, 2024, kung saan niya isinapubliko na mayroon siyang kinausap upang patayin ang First Couple at si Speaker Romualdez kung siya ay papatayin.