Madrona

Pagho-host ng DOT ng PHIDEX ikinagalak ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Feb 19, 2024
144 Views

Madrona1Madrona2Madrona3Madrona4IKINAGALAK ng House Committee on Tourism ang pagho-host ng Department of Tourism (DOT) ng Philippine International Dive Expo (PHIDEX) na inaasahang magbibigay ng magandang oportunidad para ma-explore ng mga dayuhang turista ang mayamang karagatan ng Pilipinas.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng Committee on Tourism, na isang napakalaking karangalan ang nakatakdang pagho-host ng Tourism Department ng PHIDEX na gaganapin mula Pebrero 23 hanggang 25, 2024.

Ayon kay Madrona, sa pamamagitan ng PHIDEX. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga diving enthusiast o diving community na ma-explore at magalugad ang iba’t-ibang diving areas sa bansa sa pamamagitan ng “diving explorations” alinsunod sa imbitasyon ng gaganaping PHIDEX.

Ipinaliwanag ni Madrona na kinilala ang Pilipinas noong 2023 sa World Travel Awards bilang nangungunang Dive Destination sa buong mundo. Dulot narin ng makapigil hiningang tanawin sa ilalim ng dagat o underwater kabilang na dito ang mga sea chorals at iba pang yamang dagat.

Dahil dito, ipinahayag pa ng kongresista na nagwagi din ang Pilipinas bilang nangungunang “Dive Destination” sa buong Asya na nagpapatunay lamang kung gaano kayaman ang Pilipinas pagdating sa tourist attraction lamang sa pamamagitan ng mga lugar bagkos maging sa karagatan.

Kasabay nito, nagkaroon ng masusing pag-uusap sina Madrona, Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Latorilla Gavan at iba pang top brass ng PCG para pag-usapan ang mga mahahalagang panukalang batas na makakatulong ng malaki para sa PCG o ang Philippine Coast Guard Law.

“In preparation for the upcoming legislative deliberation in the House Committee on Appropriations. The measure was approved and hopefully be approved by the Committee on Transportation,” sabi ni Madrona.