Tansingco Source: Bureau of Immigration

Pagkilala ng PAOCC sa papel ng BI sa pagbabalik ni Guo sa PH pinasalamatan

Jun I Legaspi Sep 5, 2024
173 Views

PINASALAMATAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagkilala sa papel ng BI sa pagtiyak sa pagbabalik ni Alice Guo sa Pilipinas.

Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pahayag ni PAOCC Spokesman Dr. Winston Casio kaugnay sa pagsisikap ng BI na hanapin at arestuhin ang dating Alkalde.

Ibinahagi ni Casio na wala silang nakitang anumang ebidensya kaugnay sa posibleng pagkakasangkot ng mga tauhan ng BI sa iligal na pag-alis ni Guo.

“We have not found any evidence either way with regards to any possible liability as far as the Bureau of Immigration is concerned,” saad ni Casio.

“Bear in mind that we have no evidence that she went through our immigration office. Basing on the testimony of Shiela that she got out of the Philippines using ferries, using sea vessels (that) do not necessarily go through the immigration. Chances are there was no immigration personnel who accommodated or facilitated her getting out of the Philippines. But again, that was the testimony of Shiela. We’d have to listen to the testimony of Alice,” dagdag nito.

Nagpasalamat pa si Tansingco sa PAOCC sa pagkilala sa pagsusumikap ng mga tauhan ng BI sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Indonesia upang matiyak ang pagbabalik ni Guo.

Inihayag ni Tansingco na nang malaman ang pagdating ni Guo sa Indonesia, nagpadala siya ng impormasyon sa Indonesian Immigration na si Guo ay subject g isang Mission order na inisyu ng BI.

Si Guo ay nahaharap sa mga kaso kaugnay sa undesirability at misrepresentatio.

Sinabi ni Tansingco na nagpadala na rin sila ng mga ahente sa Indonesia para personal na subaybayan ang pag-usad ng imbestigasyon.

Sa matagumpay na pagkakaaresto kina Shiela Guo at Cassandra Li Ong, tiniyak ng mga ahente ng BI, kasama ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (BI) ang kanilang mabilis at ligtas na pagbabalik sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng BI ay nasa Indonesia upang subaybayan ang pag-usad ng kaso ni Guo.

Idinagdag niya na sa pagbabalik ni Alice Guo sa Pilipinas, mahaharap siya sa kasong deportasyon, gayundin sa napakaraming kaso na isasampa laban sa kanya.

Ibinahagi rin ni Tansingco na patuloy silang makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) upang makamit ang kanilang iisang layunin na matiyak na mabilis na maibibigay ang hustisya.