Rodrigo Duterte

Paglagda ni DU30 ng Anti-Rape Law ikinatuwa ng Mindanao solon

Mar Rodriguez Mar 7, 2022
469 Views

IKINAGALAK nang isang Mindanao congressman ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Republic Act (RA) No. 11648 o Anti-Rape Law na naglalayong gawing mas mahigpit ang pagpapataw ng parusa laban sa mga taong nasasangkot sa mga kasong rape.

Sinabi ni Agusan del Norte Rep. Lawrence “Law” H. Fortun na labis nitong ikinalulugod ang pormal na pagsasabatas ng “Anti-Rape Law”.

Kaakibat ang pagkakaloob ng isang matibay na proteksiyon para sa mga biktima ng rape at iba pang uri ng pang-aabusong seksuwal. “I am elated that our collective efforts at pushing for stronger protection against rape and other forms of sexual abuse are advancing.

The signing into law of RA No. 11648 is a major step forward, not only does this increase the age for determining statutory rape to below 16 of age it also makes statutory rape gender neutral” anang mambabatas. Ipinaliwanag ni Fortun na sa ilalim ng RA No. 11648, ibinababa ng batas na ito sa gulang na 16 anyos ang sinomang biktima ng statutory rape. Habang kabilang naman sa mga mapaparusahan ang nanghalay ng ibang kasarian katulad ng mga miyembro ng LGBTQIA+. “There are number of provisions in the House version. Though, that did not see the light of day after the bicameral conference as they were not included in the Senate version. Among these are the expansion of the definition of rape to consider certain other acts of sexual perversion,” ayon pa kay Fortun.