Calendar
Paglilingkod ni Cong. Frasco para sa kaniyang mga kababayan, kasing-init ng summer season
KASING INIT ng araw ngayong “summer season” ang paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa kaniyang mga kababayan matapos ganapin ang “turnover ceremony” para sa dalawang infrastructure projects sa Catmon Cebu.
Ayon kay Frasco, nagtungo siya kamakailan sa Catmon para pasinayahan kasunod ng ginanap na turnover ceremony para sa dalawang mahalagang infrastructure projects na inaasahang magpapabago sa kabuhayan ng kaniyang mga kababayan sa larangan ng pagne-negosyo.
Sinabi ni Frasco na ang una nilang tinungo ay ang Catmondaan Elementary School para sa gaganaping turnover ng tinatayang tatlong classroom building na nagkakahalaga ng P10 million.
Ipinaliwanag ng kongresista na ang pagpapatayo nito ng tatlong classroom building ay para matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng “friendly environment”na paaralan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Kabilang na dito ang pamamahagi nito ng libreng scholarship sa mga mag-aaral.
Pinasalamatan naman ni Mayor Avis Monleon si Frasco sa kaniyang talumpati matapos ipahayag ng alkalde na napakalaking tulong ang naibibigay ng kongresista para sa kanilang lugar, partikular na sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga gusali at iba pang infrastructure projects.
Nauna rito, matapos ang pagdiriwang ng Semana Santa. Balik trabaho si Frasco sa pagbibigay ng serbisyo para sa kaniyang mga kababayan matapos itong mamahagi ng tulong para sa mga mamamayan ng Barangay Suba, Danao City.
Sabi ni Frasco, nagtungo siya sa Barangay Suba, Danao City pagkalipas ng Holy Week para mamahagi o mag-distribute ng nasa tinatayang P460,000 na tulong para sa 155 beneficiaries sa kaniyang Distrito o mga residente ng Borbon. Sogod, Carmen, Danao City, Compostela at Liloan.