Madrona

Paglobo ng mga turista sa 2025 di imposible — Madrona

Mar Rodriguez Aug 30, 2023
144 Views

MALAKING “plus factor” para sa Philippine tourism ang inaasahang paglobo ng bilang ng mga turistang dadagsa sa Pilipinas pagsapit ng 2025.

BINIGYANG DIIN ng House Committee on Tourism na isang napaka-laking “plus factor” para sa Philippine tourism ang inaasahang paglobo ng malaking bilang ng mga turista na dadagsa sa Pilipinas pagsapit ng 2025.

Dahil dito, naging optimistiko din si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairperson ng Committee on Tourism sa Kamara, na ang inaasahang pagdagsa ng mga dayuhan at lokal na turista pagsapit ng 2025 ay magiging katumbas ng tourist arrival noong 2019 o pre-pandemic.

Ayon kay Madrona, nasa walong million turista ang inaasahang dadagsa sa Pilipinas na posibleng maging kapantay ng bilang ng tourist arrival noong 2019 o bago pumutok at lumaganap ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas. Kung saan, umabot ang bilang nito sa 8.3 tourist arrival.

Sinabi ni Madrona na hindi ito imposibleng mangyari sapagkat noong August 9, 2023 pa lamang ay naitala na nasa 3.35 million na ang foreign travelers na bumisita sa Pilipinas. Bagama’t mababa ang nasabing bilang sa 4.8 million tourist na tina-target ng Department of Tourism (DOT) ngayong taon.

Naniniwala ang kongresista ng Romblon na malaking “factor” ang ginawang “lifting” ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa state of public health dahil sa pandemiya. Kung kaya’t ito ang siyang nagbigay daan para muling bumalik sa normal ang dating estado o kalagayan ng Philippine tourism.

Ipinaliwanag ni Madrona na ipinapakahulugan din aniya ng naging aksiyon ni Pangulong Marcos, Jr. na ligtas na bumiyahe sa Pilipinas na lalong nagbukas ng maraming oportunidad para sa sektor ng turismo ng bansa.