Frasco

Pagmamahal ni Rep. Frasco sa mga kababayan walang hanggan

Mar Rodriguez Feb 22, 2024
144 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4PINATUNAYAN ni House Deputy Speaker at Ceby 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na “unli” o unlimited ang kaniyang pagmamahal sa mga kapwa nito Cebuano matapos siyang mag-donate ng P300,000 para sa Local Government Units (LGUs) para naman ipamahagi sa mga sinalanta ng pagbaha at landslide dulot ng malakas na ulan sa Davao Region.

Sinabi ni Frasco na hindi lamang sa panahon ng mga “puso” o tuwing Valentine’s Day dapat ipakita ang pagmamahal at pag-ibig. Bagkus, sa lahat aniya ng panahon at pagkakataon ay dapat ipakita ang pagmamahal sa kapwa partikular na sa mga taong mahigpit na nangangailangan ng tulong.

Ipinaliwanag ni Frasco na hindi natatapos sa Araw ng mga Puso ang pagpapakita nito ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga kababayan,partikular na sa mga naging biktima ng pagbaha at landslide sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng ayuda.

Nabatid sa kongresista na namahagi din siya ng P100,000 para naman sa Munisipalidad ng Maco sa Davao de Oro at sa Munisipalidad ng Carmen sa bayan ng Davao del Norte. Kabilang na ang Munisipalidad ng Banaybanay sa Davao Oriental na sinalanta rin ng pagbaha at landslide.

Ayon kay Frasco, nasa 40,000 pamilya ang naapektuhan ng matinding pagbaha at landslide dulot ng pagbuhos ng napakalakas na ulan sa Southern Philippines o sa bayan ng Carmen at Banaybanay. Habang nasa 71 katao naman ang nasawi at 1,400 pamilya ang naapektuhan sa bayan ng Maco.

“The cash donation was delivered and received by Mayor Lemuel Ian M. Larcia of Banaybanay. These areas were affected by the recent heavy rains in Southern Philippines which brought about by flooding in Carmen anf Banaybanay,” sabi ni Frasco.