IMRAP

Pagpapabago o revision sa guidelines ng IMRAP isinusulong ni Magsino

Mar Rodriguez Nov 7, 2023
196 Views

IMRAP IMRAP IMRAPISINUSULONG ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na magkaroon ng revision sa guidelines ng Inter-Agency Medical Repatriation Program (IMRAP) patungkol sa pagpapalikas ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa panahon ng kaguluhan o conflict sa bansang pinagta-trabahuhan nila.

Kasabay nito, nagdaos ng “policy dialogue” si Magsino kaugnay sa implementasyon ng Joint Memorandum Circular No. 2017-0001 o mas kilala bilang IMRAP na dinaluhan naman ng iba’t-ibang ahenisya ng pamahalaan na kabilang sa JMC No. 2017-0001 kabilang dito ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), Department of Migrant Workers (DMW) at iba pa.

Sinabi ni Magsino na kabilang at nakapaloob sa implementasyon ng IMRAP ang medical repatriation ng mga migrant workers, documented at undocumented Filipino. Kasama narin ang mga Filipino nationals at kanilang pamilya sa iba’t-ibang bahagi ng mundo para maibigay ang mga pangunahing pangangailangan nila.

“The assistance under IMRAP includes in-flight medical assistance and escort services, initial medical assessment, evaluation upon arrival in country. The agencies will provide ambulances and will help in the confinement in DOH or LGU-SUC managed hospitals, financial assistance for payment of hospitalization and other medical expences,” ayon kay Magsino.

Samantala, naniniwala si Magsino na magbibigay ng positibong resulta ang naging pagbisita ni Japanese Prime Minister (PM) Fumio Kishida sa Pilipinas sapagkat mas lalo nitong mapapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Japan. Kung saan, ang mga OFWs ang pangunahing makikinabang.

Ipinahayag ng OFW Party List Lady solon na sa ginawang pagbisita ni PM Kishida sa bansa. Binubuksan nito ang ang mas malalim na ekonomikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Hapon na siyang magbubukas ng napakaraming oportunidad sa larangan ng kalakalan at negosyo.