Garafil

Pagpapaganda ng NAIA ipinag-utos ni PBBM

197 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing prayoridad ang pag-upgrade sa paliparan ng bansa.

Ito ang sinabi ni Office of the Press Secretary Undersecretary at officer-in-charge Atty. Cheloy Velicaria-Garafil sa isang press briefing ngayong Martes, Oktubre 11.

“Ukol naman sa aviation sector, inutusan ng Pangulo ang DOTr na tutukan ang pag-upgrade ng Manila airport upang matugunan ang lumalaking demand,” sabi ni Garafil.

Sinabi ni garafil na kasama sa pinatututukan ng Pangulo ang pag-aaral sa mga unsolicited proposal upang mapaganda ang serbisyo sa mga paliparan ng bansa lalo at inaasahan ang muling pagdami ng mga turista na pumupunta sa bansa.

“Kasama din diyan ang pagaaral sa mga existing unsolicited proposals para i-modernize ang mga existing airports at i-upgrade ito at magtayo ng mga bagong airports sa iba’t-ibang lugar sa bansa,” dagdag pa ni Garafil.