Bautista

PNR muling binuksan Calamba-Lucena-Calamba line

164 Views

MULING binuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang Calamba – Lucena – Calamba line upang magkaroon ng dagdag na masasakyan ang mga bumibiyahe sa Laguna at Quezon.

Ang unang biyahe ng tren mula sa Lucena ay aalis ng alas-4:50 ng umaga at ang last trip ay 6:30 ng gabi.

Ang biyahe mula Lucena hanggang Calamba ay dalawang oras at 33 minuto at ang pamasahe ay P20 samantalang ang Lucena hanggang San Pablo ay isang oras at 32 minuto at ang pamasahe ay P15.

Bukod sa mas mabilis na biyahe, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na magbubukas ng bagong oportunidad ang pagbabalik ng biyahe ng tren sa lugar.

“This railway will offer safe, affordable, convenient, and comfortable transport to Filipinos, while accelerating the country’s economic rebound,” sabi ni Bautista.