Taiwan

Visa-free travel ng mga Pinoy sa Taiwan nagbabalik

205 Views

MULING binuksan ang visa-free entry ng mga Pilipino sa Taiwan.

Batay sa inilabas na advisory ng Bureau of Consular Affairs ng Taiwan ang mga Pilipino ay maaaring manatili sa Taiwan sa loob ng 14 na araw ng walang visa.

Magsisimula ito sa Setyembre 29 hanggang sa Hulyo 31, 2023.

“Nationals of Philippines (effective till July 31, 2023), except those holding diplomatic or official/service passports, are eligible for the visa exemption program, with a duration of stay of up to 14 days,” ayon sa advisory.

Ang mga pupunta ng Taiwan para bisitahin ang kanilang kamag-anak, dadalo sa mga social events, o papasyal lang ay maaaring gawin ng hindi kumukuha ng visa.