NAIA

Tauhan ng OTS pinuri sa pagsali ng napulot na pera

118 Views

UMANI ng papuri ang isang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) na nagsoli ng pera na naiwan ng isang pasahero sa Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Napulot umano ni OTS Security Screening Officer Norberto Santiago ang P5,000 sa Automatic Teller Machine ng Land Bank sa Departure Area.

Nagpasalamat ang may-ari ng pera na si Maxwell Barborona at pinuri si Santiago.

“I thank Santiago, Norberto Jr. for returning my Php 5,000.00 (OTS Personnel) left at LandBank Automatic Teller Machine. I highly request for commendation for his promotion,” sabi ni Barbarona sa isinulat nitong feedback.

Kinilala rin ni OTS Administrator Undersecretary Ma.O R. Aplasca ang pagiging tapat ng kanyang tauhan na magbabalik umano ng kumpiyansa ng publiko sa kanilang serbisyo.