OFW

Pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan ng mga OFWs, gov’t agencies nais ni Magsino

Mar Rodriguez Nov 21, 2023
234 Views

OFW OFW OFWNAIS ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino na lalo pang paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at PAG-IBIG Funds.

Sa ginanap na “policy dialogue” sa Kamara de Representantes na dinaluhan ni Department of Migrant Workers (DMW) Office-In-Charge Hans Leo Cacda, nirepaso nina Magsino ang mga programa at serbisyo o services ng SSS, PhlHealth at PA-IBIG Funds para sa mga OFWs.

Ipinabatid ng PAG-IBIG Funds na mayroon silang tinatayang 1.45 million members mula sa mga OFWs ngayong taon (2023). Habang inihayag naman ng SSS na mayroon silang 1.39 members (OFWs) at 3.23 million members naman ang mayroon ang PhilHealth (OFWs) para sa kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Magsino na layunin ng ginanap na “policy dialogue” na magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga nasabing ahensiya ng pamahalaan at mga OFWs patungkol sa mga available programs at services para sa mga Pilipinong manggagawa para tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Binigyang diin ni Magsino na layunin ng ginanap na policy dialogue para mas lalo pang pag-ibayuhin ang ugnayan sa pagitan ng mga ahensiya ng pamahalaan at OFWs patungkol sa mga programa, serbisyong at iba pang benepisyo maaaring maibigay para sa mga OFWs at sa kanilang mga pamilya.

“OFWs are one of the pillars of our nation’s progress, and it is imperative that we continually refine and adapt our programs and services for them. This policy dialogue serves as a flatform to strengthen the collaboration between government agencies and OFWs,” sabi ni Magsino.