Calendar

Pagpapakalat ng fake news sa social media kinondina din ni Milka Romero
BILANG advocate ng katotohanan at ng mga kabataan, nakikisimpatiya si 1-PACMAN Party List Representative First Nominee Mikaela Louise “Milka” Romero sa pagkondina sa pagpapakalat ng mga fake news at disinformation sa social media na nakakaapekto sa napakaraming kabataang Pilipino.
Pagbibigay diin ni Milka Romero na ang lumalaganap na maling impormasyon o fake news ay hindi lamang nakakaapekto sa mga kabataan bagkos ay nagdudulot din ito ng matinding takot sa general public bunsod ng mapanlinlang na mga balita sa social media.
Dahil dito, umaapela si Romero sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga fake news na itigil na ang kanilang masamang gawain sapagkat ang mga pino-post nilang impormasyon sa social media ay nagdudulot ng matinding kalituhan sa publiko at maituturing din na paninirang puripuri.
Iminungkahi ni Romero na sa halip na mga fake news, mas makabubuti aniya kung ang ipapalaganap sa social media ay ang mga makabuluhang impormasyon na magbibigay ng inspirasyon para sa mga kabataan na makakatulong sa kanilang pag-unlad.
Sabi pa nito na dapat gamitin ang social media sa paghubog sa mga kabataan sa halip na ang ipinapalaganap sa mga social media platforms ay mga kasinungalingan, kabastusan, panglilinlang at iba pang mga uri ng kabuktutan.
Kasabay nito, ipinahayag din ni Romero ang kaniyang commitnent na upang maprotektahan ang Panglao, Bohol Coral Reef na pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mga residente ng lalawigan.
“I love our reefs and we want to to help protect it,” wika ni Milka Romero sa mga mamamayan ng Bohol.
To God be the Glory