Kim1

Pagpapakilig ni Paulo kay Kim, totohanan o promo lang?

Eugene Asis Mar 17, 2024
30 Views

Kim1PINAKILIG nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang mga manonood ng ‘It’s Showtime’ noong Biyernes nang dumalaw ang huli sa set ng naturang noiontime show.

Nilaro-laro ng host na si Vice Ganda ang pagdalaw ni Paulo, at nilagyan ng karakter si Kim bilang isang ‘anak’ na dinalaw ng isang ‘mayamang manliligaw.’ Sinabi ni Vice na asikasuhin ang ‘bisita’ (Paulo) at nang lapitan ni Kim si Paulo para itanong kung ano ang gusto nito, mabilis ang sagot nito nito ng: ‘Ang gusto ko lang naman yung magmamahal sa akin’. Biglang napatayo si Kim, hiyang-hiya (o kilig na kilig) at lumayo sa kinaroroonan ni Paulo. Tilian, tuksuhan ang mga sumunod na eksena.

Naging usap-usapan ito at marami ang nag-iisip na totohanan na ang pagpapakilig ni Paulo kay Kim. Sa X (dating Twitter), nag-post si Kim bandang hapon:

“Salamat sa pagdalaw BOSS @mepauloavelino,” post ni Kim.

Kaagad namang sumagot si Paulo:

“Feeling ko sinadya talaga nila e-delay yung recording para mahatak ako sa showtime.

March 18 na tayo Sec Kim! @prinsesachinita.”

Magkasama ang dalawa sa PH adaptation ng hit South Korean rom-com series na “What’s Wrong with Secretary Kim.” Bago rito, magkasama rin sila sa hit series na Filipino series na ‘Linlang’ kung saan kinakitaan ang dalawa ng kakaibang chemistry.

Kung magtutuluy-tuloy ang magandang chemistry na ito sa totoong buhay, may bagong romansa na namang pagpipistahan ang mga tagahanga. Parehong katatapos lamang ng dalawa sa isang relasyon, si Paulo kay Janine Gutierrez at si Kim, kay Xian Lim.

Kung magre-rewind tayo, parehong nangako ang dalawa sa mga dating karelasyon ng salitang: “Walang iwanan.”

Mahirap nang maniwala kung ganito rin ang bibitawan nilang pangako sa isa’t isa. Pero sige, malay natin…