Martin2

Pagpasa ng panukalang Land Use Act tiniyak ni Speaker Romualdez

165 Views

TINIYAK ni Speaker Martin G. Romualdez na agad na aaprubahan ng Kongreso ang panukalang Land Use Act, isa sa mga legislative agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasabay nito ay tiniyak din ni Romualdez ang pagsuporta sa mga panukala na makapagpapa-unlad sa real estate sector.

“We share with the President a common desire to craft a unified framework that will govern the use of land resources in the country. We need to harmonize and integrate conflicting laws, policies, principles and guidelines on land use and physical planning,” sabi ni Romualdez sa midyear membership assembly ng National Real Estate Association (NREA) sa Makati City.

Batay sa pag-aaral ng mga policy expert, sinabi ni Romualdez na mayroong 30 overlapping na environmental at ecological protection law, at polisiya sa tubig at lupa.

Sinabi ni Romualdez na target ng Kamara de Representantes na ipasa ang panukala bago matapos ang taon.

Hiniling ni Romualdez sa mga miyembro ng NREA na magsumite ng kanilang pag-aaral at posisyon kaugnay panukala upang makagawa ng mas magandang batas para sa paglinang ng real estate sector.

“We will not pass any law affecting your sector without hearing you first,” sabi pa ni Romualdez.

Kinilala rin ng solon ang NREA bilang katuwang ng gobyerno sa paglikha ng trabaho at pabahay para sa pamilyang Pilipino.

Noong 2009 ay isinabatas ng Kongreso ang Real Estate Service Act of the Philippines upang magkaroon ng regulasyon sa mga real estate service practitioners.