OFW

Pagpatay sa Pinoy seaman sa Yemen mariing kinondina ni Magsino

Mar Rodriguez Jun 19, 2024
125 Views

๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป (๐˜€๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ) ๐˜€๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป, ๐— ๐—ถ๐—ฑ๐—ฑ๐—น๐—ฒ ๐—˜๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ.

Ayon kay Magsino, kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno partikular na sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tiyakin na mabibigyan ng ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ-๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฝ ๐—ฎ๐˜ maayos na paglibing o burial ang napaslang na Pilipinong ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป kabilang ang paghahanap ng katarungan.

Sabi ni Magsino, mismong ang White House ng Estados Unidos (US) ang nag-kompirma na isang Filipino sailor ang napatay matapos na walang habas na salakayin ng grupo ng mga Huthi rebels sa Yemen ang barkong kinalulunadan ng napaslang na Pinoy seaman. Ang M/V Tutor na isang Liberian-flagged Greek-ownes cargo carrier.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi naman mapigilan ni Magsino ang maluha at makaramdam ng lubos na paghihinagpis patungkol sa mapait na kinasapitan ng Pilipinong seaman kabilang na ang iba pang Pinoy tripulante na nakikipag-sapalaran sa karagatan para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga naiwang pamilya dito sa Pilipinas.

“Lubos po ang aking pakikidalamhati sa mga naulila ng ating seafarer. Nakakailang na ang Huthi rebels sa mga cargo vessels na halos laging may lulan na mga Pinoy. Nakakalungkot na laging nadadamay ang ating mga kababayan na nais lamang magtrabaho para sa kanilang pamilya,” sabi ni Magsino.

Binigyang diin pa ng kongresista na bunsod ng kahambal-hambal na trahedyang sinasapit ng mga Pinoy tripulante sa tuwing sila’y naglalayag mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon pa sa mambabatas, ang kanilang sitwasyon aniya ang lalong nagtutulak sa kaniya para isulong ang mga panukalang batas sa Kamara de Representantes para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga Pilipinong seaman at OFWs na lagi na lamang nalalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang buhay sa ibang bansa.

“Patuloy ko pong isusulong ang mga batas upang mabigyan ng proteksiyon at kalinga ang lahat ng ating mga OFWs at patuloy na panawagan na palakasin ang mga bilateral labor agreements sa mga bansang high-risk ang ating mga OFWs,” wika pa ni Magsino.