Dy

Pagsali ng iba’t ibang partido sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas inaasahan

113 Views

INAASAHAN ng mga kongresista ang pagsali ng iba’t ibang partido sa bagong tatag na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa paglapit 2025 midterm elections.

Ginawa nina Deputy Majority Leader at Isabela Rep. Faustino Dy V at Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. ang pahayag matapos ang pormal na alyansa ng Lakas-CMD at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sina Dy at Dionisio ay kapwa miyembro ng Lakas-Christian and Muslim Democrats na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pinuno ng PFP.

“Definitely one thing po is certain, na masaya po kami sa LAKAS and members of the PFP yesterday sa naging alyansa o bagong alyansa ng miyembro, members of LAKAS and also the members of PFP. Napakataas po ng morale ng mga members at syempre we expect other parties to join this alliance also in the next few months maybe,” ani Dy.

“I can imagine that the President’s statements are very clear, that he still want unity, he is still wants everyone to be unified under the current administration because pare-pareho naman po ng layunin ng bawat partido, na itulak ang progreso, ipagpatuloy ang progreso ng ating bansa. So, I can imagine that the other political parties will still be welcome if they decide to coalesce or align with this new alliance,” dagdag pa nito.

Iginiit rin ni Dionisio ang kahalagahan ng mensahe ni Pangulong Marcos na magkaisa.

“And you know, we are very fortunate to have a President who really adheres to the word unity. Talagang niyayakap niya ang lahat. So, as long as you are joining the vision of our President for progress, there is no reason para hindi ka sumama,” sabi pa nito.

Naniniwala sina Dy at Dionisio na mareresolba ng alyansa ang mga magiging isyu ng mga tatakbong kandidato sa mga lokal na posisyon at magkakaroon ng common candidate ang alyansa para sa national positions.

“That’s something that was not discussed yet and it’s something I’m sure the leaders of LAKAS and also PFP will discuss in the next meetings to come,” saad ni Dy.

“I think that the leadership of both parties will resolve any possible local issues or conflict, being ang pagsasama involves unity. So, I think that’s the message and hopefully, everything will turn out best,” ayon naman kay Dionisio.

Sinabi naman ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na mayroon itong mga miyembro na miyembro rin ng Lakas-CMD.

“Well, so far alam mo namang malapit talaga ang TINGOG at ang LAKAS, at pinapayagan naman ho ng constitution ng TINGOG na pwedeng maging kaanib ng isang national political party ang isang miyembro ng TINGOG party list. Ang hindi lang ho pwede yung mga congressman na incumbent,” sabi ni Acidre.

Kamakailan ay nanumpa ang singer actress na si Karla Estrada, na miyembro ng Tingog, sa Lakas-CMD.