Ipinagmamalaki ni Mayor Cezar Areza ang Pagsanjan, Laguna na idineklarang second class municipality na dahil sa umangat na revenues.

Pagsanjan 2nd class municipality na

Gil Aman Dec 15, 2024
11 Views
Konsi Abella
Katuwang ni Mayor Areza si Konsehala Rachelle Abella sa mga programa ng bayan.

IDINEKLARA ng Department of Finance (DOF) bilang second class municipality ang Pagsanjan, Laguna bukod pa sa kinikilalang tourist capital ng lalawigan.

Ito ang sinabi ni Pagsanjan Mayor Cezar Areza kasabay sa pagdiriwang ng 356th founding anniversary ng bayan kung saan idinaos ang ibat-ibang programa katuwang ang local government unit at mga barangay.

Nagkaroon ng maraming pagbabago sa lugar dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga proyektong nagdadala ng libu-libong turista at mga investors na nagtatayo para sa hanapbuhay ng mga Pagsanjeño.

Nagpasalamat din si Mayor Areza sa Rural Health Unit sa ilalim ni Dra. Laila Torres, mga barangay health workers dahil sa mga pagsisikap para sa pag- asenso.

Nabigyan din ng award ang mga BIR officers ng bayan dahil sa pinakamataas na nakamit sa larangan ng revenue taxes.