Romero

Pagtatag ng National Cancer Center of the Philippines ipinanukala ng 1-PACMAN Party List Group sa Kongreso

Mar Rodriguez Dec 28, 2022
219 Views

KINIKILALA ng 1-PACMAN Party List Group na ang sakit na “cancer” ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan o “cause of death” ng isang tao dito sa bansa. Bukod pa ang napaka-mahal na gamutan at treatment para sa isang pasyenteng may ganitong karamdaman.

Bunsod nito, isinulong ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ang House Bill No. 340 sa Kamara na naglalayong magtatag ng National Cancer Center of the Philippines (NCCP) o isang ospital na espesyalista sa nasabing sakit.

Ipinaliwanag ni Romero na sa ilalim ng Republic Act No. 11215 kilala bilang National Integrated Cancer Control Act, layunin ng nasabing batas na tulungan sa lahat ng paraan ang mga “cáncer patients” at kanilang pamilya sa panahon ng kanilang “cancer treatment” o gamutan.

Subalit sinabi ni Romero na wala naman talagang spesipikong ospital na talagang tututok sa sakit na cáncer para sa mga pasyenteng may ganitong karamdaman. Sapagkat ang itinatakda lamang ng RA No. 11215 ay ang proseso ng gamutan para sa isang pasyente.

Ayon sa kongresista, layunin ng HB No. 340 na magkaroon ng isang hospital na ang “specialization” ay ang cancer na magbibigay ng totoong “purpose” sa RA No. 11215 sapagkat mas matututukan nito ang mga pasyenteng nangangailangan ng treatment.

“Without a dedicated institute that will cater and ensure that cáncer treatment and care of cáncer patients. This bill seeks to establish the National Cancer Center of the Philippines (NCCP). A hospital that specializes on cancer which will envision the purpose of the recently enacted law from accurate diagnosis to timely and optimal treatment,” sabi ni Romero.