Calendar
Pagtatatag ng legal dep’t sa loob ng PNP suportado rin ni Valeriano
๐๐๐ก๐๐๐๐ง๐๐๐๐ก ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ “๐๐ผ๐ป๐ด๐ฏ๐ผ๐ป๐ด” ๐ฅ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐,๐๐ฟ. ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด “๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐” ๐๐ฎ ๐น๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐ฃ๐ก๐ฃ) ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฎ’๐-๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป.
Sang-ayon din si Valeriano sa pagkakaroon o pagsusuot ng body-cameras sa lahat ng law enforcement personnel partikukar na sa panahon ng kanilang operation para matulungan sila sa paghaharap ng matibay na ebidensiya sa Hukuman sa pamamagitan ng body-cameras.
Binigyang diin ni Valeriano na hinding-hindi magsisinungaling ang body-cam sapagkat makikita dito ang buong katotohan kaugnay sa isang parikular na kaso na isinampa laban sa isang pulis.
Sabi ng kongresista, sa tulong ng body-camera makakapagharap ng matibay na ebidensiya ang sangkot na pulis laban sa isang kriminal sakaling umabot sa hukuman ang kanilang kaso.
“Sang-ayon tayo sa panukalang ito kasi kawawa naman ang mga pulis natin dahil ginawa na nila ang kanilang tungkulin pero sila pa ang nadidiin. Sapagkat hindi naman lahat ng pulis ay masama may mga pulis na totoong ginampanan ang kanilang trabaho pero sila pa ang kinakasuhan,” paliwanag ni Valeriano.
Binigyang diin ni Valeriano na may mga pulis ang gumanap ng kanilang tungkulin subalit sa kasamaang palad ay sila pa ang nasasampahan ng kaso sa pag-aakalang gumawa sila ng kabuktutan.
Nararapat lamang aniya na magtatag ng legal department sa loob ng PNP para matulungan ang mga Kapulisan na madepensahan ang kanilang mga sarili.
Ikinatuwiran pa ng Manila solon na may mga pagkakataon pa na ang mismong mga suspek ay mahusay sa usaping legal kung kaya’t napakadali rin para sa kanila ang baluktutin ang katotohan.
Kung saan, ang mga pulis pa ang nadidiin sa kaso sa halip na ang mga kriminal.