Paduano

Pagtiyak na tama ang paggamit ng pondo sentro ng imbestigasyon ng House Public Accounts

221 Views

ANG isinasagawa umanong imbestigasyon ng House Committee on Public Accounts sa P149 milyong kuwestyunableng transaksyon ng munisipyo ng Mexico, Pampanga na pinamumunuan ni Mayor Teddy Tumang ay hindi naglalayong itaboy ang mga mamumuhunan.

Ito ang tiniyak ng chairman ng komite na si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kasabay ng kanyang paggiit na nais lamang ng Kamara na masiguro na tama ang ginagawang paggastos sa limitadong pondo ng gobyerno.

“Let me assure all officials of Mexico, Pampanga, investors and relevant stakeholders that this legislative inquiry does not wish to stifle the endeavors of legitimate business investors seeking to enhance and invest in the municipality of Mexico,” sabi ni Paduano sa nakaraang pagdinig ng komite.

“Our aim is not to discourage them…both the committee and the House leadership stand in unwavering support of investors, local and foreign, in the country. This stance underscores our support for fostering economic growth and opportunities,” sabi pa ng kongresista.

Ayon kay Paduano ang imbestigasyon ay para sa mga opisyal ng gobyerno na ginamit ang kanilang posisyon para magpayaman at manatili sa kapangyarihan.

“Our commitment to transparency and fairness compels us to uncover the facts and rectify any wrongdoing that may have occurred. Our objective is to ensure that the municipality’s resources are allocated and utilized in a manner that upholds the highest standards of governance and benefits its constituents,” giit ni Paduano.

Hinamon ng mambabatas ang sinumang mayroong impormasyon kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon na makiisa upang mapanagot ang mga mayroong maling ginawa at makamit ang hustisya.

Ayon kay Paduano sa pagdinig noong Agosto 2 ay binalikan ng komite ang mga nadiskubre ng fraud audit team ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng mga kuwestyunableng transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Mexico, Pampanga.

“Mayor Tumang was found to have engaged in procurement processes with individuals with whom he had personal connections. The (audit) report states that within the subject P43-million procurement contracts, over P28 million was awarded to bidders who either share close relationships or engage in personal dealings with Mayor Tumang,” sabi ni Paduano.

Sa P149 milyong halaga ng transaksyon na sinilip ng COA, na-disallowed ang P82 milyon.

Sa P82 milyong kinukuwestyon, ibinalik na ni Tumang at kanyang mga kasama ang mahigit P43 milyon sa treasury ng munisipyo at nanatiling hindi naibalik ang P39 milyon.

Bagamat naibalik na ang P43 milyon, nagpahayag ng pagkabahala si Paduano sa impluwensya ni Mayor Tumang sa kinalabasan ng mga regular procurement ng munisipyo.

Dahil hindi nabayaran ang P39 milyon, sinabi ni Paduano na dapat ay dalhin na ng COA ang usapin sa Office of the Ombudsman.

“Transparency, accountability and the timely resolution of matters such as these are pivotal in maintaining the integrity of our local governance,” sabi pa ng chairman ng komite.

Sinabi ni Paduano na sinisilip din ng komite ang pagbili ng munisipyo ng P2.8 hektaryang lupa sa halagang P79.5 milyon.

Sa biniling lupa, ang isang hektarya ay ibinenta ni Aedy Tai Yang sa halagang P29.5 milyon o P2,950 kada metro kuwadrado. Sa mag-asawang Arnel at Sonia Pangilinan binili ang 1.8 hektarya sa halagang P50 milyon o P2,800 kada metro kuwadrado.

Ang mga lupa ay binili ng munisipyo anim na buwan mula ng bilhin nila ito sa halagang P300 kada metro kuwadrado.

Matatagpuan ang mga lupa sa Barangay San Antonio at plano ng lokal na pamahalaan na tayuan ito ng bagong municipal hall at convention center.

Hindi nakadalo sa huling pagdinig si Yang kaya naglabas ang komite ng subpoena. Wala rin ang mga supplier na sina Rizalito Dizon at Roberto Tugade kaya naglabas din ng subpoena ang komite laban sa kanila.