Oducado1

Paid leave benefits gusto palawakin ng kongresista

Mar Rodriguez Apr 7, 2026
115 Views

ISANG panukalang batas na naglalayong palawakin ang mga benepisyo ng “paid leave” sa mga manggagawa ang inihain ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado sa Kamara.

Ang pagsusulong ni Oducado ng House Bill No. 8741 ay kasabay ng mga ulat tungkol sa tumataas na stress sa hanay ng mga manggagawang Pilipino kasunod ang bumababa nilang productivity dulot ng hindi balanseng work-life balance.

“Many workers today are overworked and do not have enough time to rest which affects their health productivity and family life,” ani Oducado.

Inihalimbawa ng kongresista ang isang work papers mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-ILS na nagsasabing 72% ng mga manggagawang Pilipino ang nakakaranas ng stress.

Dahil dito, sinabi ni Oducado na ipinapakita lamang ng naturang survey kung gaano karaming Pilipinong manggagawa ang nahihirapan o masyadong “burn-out” at kakulangan sa pahinga.

Ang House Bill No. 8741 na may pamagat na “Service Incentive Leave Act of 2026” nagtatakda ng taunang service incentive leave (SIL) mula limang araw hanggang 10 na may bayad para sa mga empleyado.

“This measure ensures that workers are given enough time to rest and take care of themselves and their families,” sabi pa ni Oducado.