PAL minomonitor ground stop ng FAA

Jun I Legaspi Nov 14, 2026
78 Views

MINOMONITOR ng Philippine Airlines (PAL) ang ipinatupad na ground stop ng United States Federal Aviation Administration (FAA) na nakaapekto sa mga aviation operations sa iba-ibang bahagi ng Estados Unidos.

Pinahintulutan namang magpatuloy sa kanilang mga destinasyon ang mga flight ng PAL na nasa himpapawid na at patungo sa Estados Unidos.

Samantala, minomonitor ang mga PAL flight papunta at palabas ng mga paliparan sa US batay sa sitwasyon ng bawat biyahe.

Pinapayuhan ang mga pasahero na suriin ang status ng kanilang mga flight sa pamamagitan ng mga opisyal na communication channels ng PAL upang makuha ang pinakabagong impormasyon at mga update.

Nakikipag-ugnayan ang PAL sa mga kaukulang awtoridad at maglalabas ng mga karagdagang abiso kung kinakailangan.