Calendar
Pamamaril sa Zambales 2 sugatan
SUGATAN ang dalawang biktima na nasa kwarto ng farm house sa Brgy. Maloma, San Felipe, Zambales ng barilin ng suspek na nakatakas sa mga pulis at hindi rin nakilala.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ang mga biktima na sina Mcki, 59; at alyas Ann, 39.
Lumalabas sa pagsisiyasat na nasa isa sa mga kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay ang dalawang biktima kasama ang ilang kaibigan nang dumating ang isang lalaki at tinutukan ng baril ang caretaker.
Kinilala ang armadong suspek na si alyas Silver, 45, na umakyat sa loob ng bahay saka pinaputukan ang mga biktima. Tinamaan si Te sa katawan at si Griffin sa hita.
Isinugod ang mga biktima sa San Marcelino District Hospital sa San Marcelino, Zambales habang tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.