Pampanga Pampanga-Parañaque match sa MPBL.

Pampanga hindi nagpasapaw sa Parañaque

Robert Andaya May 29, 2024
123 Views

HINDI binigo ng defending champion Pampanga Giant Lanterns ang kanilang mga kababayan.

Dinurog ng Pampanga ang Parañaque Patriots, 77-59, para sa kanilang ika-walong panalo sa siyam na laro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Sa harap ng madaming mga taga-suporta sa kanilang homecourt, pinamalas ng Giant Lanterns ang kanilang lakas at hindi na binigyan ng pagkakataon ang Patriots na makabawi sa kanilang sagupaan.

Nagpasiklab para sa Pampanga sina Rence Alcoriza sa kanyang 15 points, Archie Concepcion, na may 13 points at MJ Garcia, na may 12.

Hindi din nagpasapaw ang Reigning MPBL MVP Justine Baltazar, na may double-double na 11 points at 16 rebounds bukod pa sa apat na assists.

Ang Parañaque ay nakakuha ng 17 points, 12 rebounds, three assists at two steals mula kay Joshua Gallano.

Nalimitahan naman sina Jielo Razon sa six points at veteran Mark Yee sa three points.

Hindi din naka-iskor si Philip Manalang para sa Paranaque, na bumagsak sa 7-3.

The scores:

Pampanga (77) – Alcoriza 15, Conception 13, M.Garcia 12, Baltazar 11, Viernes 9, Corteza 5, Reyson 4, Liwag 4, R.Santos 2, De Leon 2, P.Garcia 0, K.Santos 0, Gozum 0, Serrano 0, Binuya 0.

Parañaque (59) – Gallano 17, Ubuda 9, Umali 7, Razon 6, Olegario 4, Pido 4, Villanueva 4, Castro 3, Yee 3, Sarao 1, Martel 1, Salaveria 0, Manalang 0, Loyola 0, Ruaya 0.

Quarterscores: 20-9, 41-25, 61-39, 77-59.