MPBL

Pampanga hindi napigil ng Nueva Ecija

Robert Andaya Jul 2, 2024
176 Views

HINDI pa din maawat ang Pampanga Giant Lanterns.

Sa pangunguna ng kanilang “Fearsome Foursome” na sina Archie Concepcion, Justine Baltazar, Kurt Reyson at Encho Serrano, pinabagsak ng Pampanga ang Nueva Ecija, 91-85, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Si Concepcion, na napiling “Best Player of the Game”, ay nagtala ng 20 points, kabilang ang apat na triples, three rebounds at three steals para sa ika-14 sunod na panalo ng Giant Lanterns sa round-robin elimination phase ng prestihiyosong.29-team tournament.

Pakitang gilas din sina Baltazar, na may double-double na 16 points at 17 rebounds, four assists at blocks; Reyson, na may all-around game na 17 points, seven rebounds, sevena ssists at two steals; at Serrano, na may 15 points, six assists at four rebounds.

Nakatulong din si Rence Alcoriza sa kanyang 10 points at seven rebounds.

Ang Nueva Ecija, na nabigo sa harap ng kanilang mga taga-suporta, ay nakakuha ng 23 points at seven rebounds mula kay Will McAloney, 11 points, eight assists, three rebounds at two steals mula kay JC Cullar, 10 points, eight rebounds at five assists mulakay Rob Celiz, at 10 points, six rebounds at three steals mula kay John Byron Villarias.

Kinailangan lamang ng Giant Lanterns ang isang matinding 13-4 run, na tinampukan ng isang three-point shot ni Concepcion, upang tuluyang agawin ang kalamangan, 88-80, at patahimkin ang mga taga-suporta ng Rice Vanguards sa huling dalawang minuto ng laro.

Bagamat dumikit pa sa score na 84-88 matapos ang dalawang free throws ni Emman Calo at layup ni Celiz, hindi na binigyan pa ng Pampanga ng pagkakataon ang Nueva Ecija matapos ang isang drive ni Allen Liwag na may 26.4 seconds na lamang ang natitira sa laro.

Sa iba pang mga laro, tinalo ng Pasay ang Bataan, 82-78, at pinadapa ng Valenzuela ang Bacolod, 88-81.

Nagsanib pwersa sina Patrick Sleat, Laurenz Victoria at Warren Bonifacio, para sa Pasay, na pinutyol ang kanilang three-game skid at umakyat sa 8-7.

Nanguna para sa Voyagers sina Sleat (16 points, six rebounds, five assists), Victoria (16 points, three assists at two steals) at Bonifacio (10 points, 13 rebounds at three assists.

Bumagsak pa ang Risers sa 4-1 record sa kabila ng 23-point, eight-rebound effort ni Rhaffy Octobre ant 17-point, four-rebound output ni Yves Sazon.

Samantala, sumandal ang Valenzuela sa 29 points, 23 sa first half, seven rebounds at two assists ni Dennis Santos para biguin ang Bacolod at umakyat sa 8-8 record.

Sinuportahan si Ssntos nina Mark Montuano,na may 18 points at eight rebounds at veteran Paolo Hubalde, na may 17 points, 12 assists,eight rebounds at three steals.

Nalugmok pa ang Bacolod sa 1-15 sa kabila ng 35-point, 10-rebound, six-assist effort ni Louie Vigil.