Calendar
Panawagan ni Garin para mapaunlad tourism industry sinuportahan
SUPORTADO ng House Committee on Tourism ang panawagan ng isang Lady solon para kay Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco kabilang na ang iba pang concerned agencies na magpatupad ng mga inisyatiba para mas lalo pang mapaunlad ang tourism industry ng bansa.
Ayon kay Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Committee on Touruism sa Kamara, marahil ay kinakailangan pag-aralan din ng Department of Tourism (DOT) ang ginawa ng People’s Republic of China para makahikatay sila ng maraming turista.
Sinabi ni Madrona na dapat mas lalo pang paigtingin ng DOT ang pagsisikap nito para lalo pang makahikayat ng mga dayuhang turista katulad ng ginawa ng China matapos na ipatupad nito ang “no-visa requirement” para sa kanilang mga bisita o turista na pupunta sa kanilang bansa.
Ipinaliwanag ni Madrona na malaki ang posibilidad na lalong makahikayat ng mga dayuhang turista na magtungo ng bansa at bumisita sa iba’t-ibang tourist spots. Sakaling tutularan ng Pilipinas ang ginawa ng China kabilang na ang bansang Thailand na nag-waive ng kanilang “visa requirement”.
Dahil dito, sinabi pa ni Madrona na ang munghahi ni Iloilo Cong. Janette Garin ay maituturing na isang pamamaraan para lalo pang makahikayat ng mga dayuhang turista. Hindi lamang sa pamamagitan ng mga promotional ads kundi sa pamamagitan ng mga inisyatiba.
Samantala, pinangunahan ni Madrona ang groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng Civil Service Commission (CSC) Field Office building sa lalawigan ng Romblon para sa darating na hinaharap na ginanap noong nakarang Pebrero 9, 2024 sa Barangay Poblacion, San Agustin.
Nabatid kay Madrona na ang lupang pagtatayuan ng CSC Field Office ay ibinigay o donation ng Local Government Unit (LGU) ng San Agustin na naglalayong maging “accessible” ang serbisyo ng CSC para sa mga Romblomanons.