Martin1 Binisita ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Huwebes ang headquarters ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus Village, Jolo, Sulu na pinangunahan ni Commander, Maj. Gen. Ignatius Patrimonio.

Pangako ni Speaker Romualdez: Pondo para sa pagtatayo, pagsasaayos ng barracks ng sundalo

Mar Rodriguez Aug 4, 2024
184 Views

NANGAKO si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na maglalaan ng pondo para sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga barracks ng mga sundalo kasabay ng pagpuri sa katapangan ng mga ito na maipagtanggol ang bansa.

Ginawa i Speaker Romualdez ang pahayag sa kanyang pagpunta noong Huwebes sa headquarters ng 11th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus Village, Jolo, Sulu na pinamumunuan ni Commander, Maj. Gen. Ignatius Patrimonio.

Sinalubong ni Patrimonio si Romualdez, na binigyan ng arrival honors.

Si Speaker Romualdez ay sinamahan ng ilang opisyal ng Kamara de Representantes gaya nina Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Agusan del Norte Rep. Jose Aquino ll, at Navotas Rep. Tobias Tiangco at ni Sulu Gov. Sakur Tan at dating Rep. Munir Arbison ng Sulu.

Pinuri ni Speaker Romualdez ang mga opisyal at sundalo sa kanilang pagtatanggol at paglaban sa mga panloob at panlabas na banta upang mapanatili ang demokrasya at soberanya ng bansa.

“We have to look after the welfare of our soldiers — our officers and men. We have to provide them with comfortable housing quarters,” ani Speaker Romualdez, isang abogado mla sa University of the Philippines (UP) at Presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa), kay Patrimonio at iba pang opisyal ng 11th ID Site Development Plan.

“They are the most important component of our national defense program. They are in charge of protecting the country from threats – internal or external – to promote and maintain peace,” dagdag pa ni Speaker Romualdez na nauna ng nangako na susuportahan ang dagdag na pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 National Expenditures Program na sisimulang talakayin ng Kamara ngayong linggo.

Iginiit ni Speaker Romualdez na kung walang kapayapaan ay walang paglago sa ekonomiya.

“That is very evident in many parts of Mindanao, including Sulu, which have had to live with and resolve internal strife, and where economic progress is now happening,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Nangako si Speaker Romualdez na titignan ang pangangailangan na makapagtayo ng mga dagdag na barracks at pagandahin ang mga nakatayo na.

Ang pondong kailangan dito ay maaari na umanong maisama sa 2025 national budget.

Si Speaker Romualdez ay honorary member ng Sambisig class of 1991 ng Philippine Military Academy.