CAAP

Pangangasiwa sa 6 paliparan ibinigay na sa BAA

245 Views

IBINIGAY na ng Department of Transportation (DoTr) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pangangasiwa sa operasyon ng anim na paliparan sa rehiyon.

Isang Memorandum of Agreement (MoA) ang pinirmahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bangsamoro Airport Authority (BAA) para sa pormal na paglilipat ng kapangyarihan na pangasiwaan ang Cotabato Airport (Awang) sa Cotabato City; Sanga-Sanga Airport sa Tawi-Tawi; Jolo Airport sa Sulu; Wao Airport at Malabang Airport sa Lanao del Sur; at Mapun Airport sa Mapun, Tawi-Tawi.

Mapupunta sa BAA ang landslide portion ng operasyon. Kinabibilangan ito ng Passenger Terminal Building, Administrative Building, Vehicular Parking Area, at iba pang pasilidad na hindi bahagi ng Air Navigational Aids and Facilities.

Mananatili naman sa CAAP nag kapangyarihan sa airside operational control kasama ang runways, taxiways, ramps, airport control towers, power plants, at flight service station buildings.

Magsasagawa ng pagsasanay ang CAAP sa mga tauhan ng BAA.