PCSO

Pangarap na bahay tutuparin ng nanalo ng P5.9M sa lotto

Arlene Rivera Aug 10, 2023
216 Views

PLANO ng lalaking tumama ng P5.9 milyon sa Lotto 6/42 na tuparin ang kanyang pangarap na bahay.

Ayon sa nanalo na sinadyang hindi pinangalanan ilang beses na itong nanalo ng consolidation prize sa Lotto.

“Matutupad ko na ang pangarap kong bahay,” sabi ng nanalo.

Hindi umano makapaniwala ang nanalo ng lumabas ang kanyang mga numero habang pinapanood ang bola sa Facebook.

“Habang nanonood po ako ng Facebook Live ng PCSO, ‘di ko na mapaliwanag ang nararamdaman ko. Sanay naman ako na manalo sa lotto ng consolation prizes pero iba na pag jackpot na,” sabi ng nanalo.

May 20 taon na umanong tumataya ng lotto ang nanalo.

“Sa mahigit na 20 taon na pagtangkilik ko sa PCSO, ‘di ako nawalan ng pag-asa, kahit papaano nananalo naman ako ng consolation. Kaya payo ko sa mga kagaya kong mananaya, patuloy lang tayo magtiwala sa PCSO at sa Panginoon dahil hindi natin masasabi kung kalian tayo papapalarin,” dagdag pa nito.

Pumunta ang nanalo sa main office ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Hulyo 7 para kunin ang kanyang premyo.

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ang mga premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.