PBBM

Pangulong Marcos naglaan nig P140M standby fund sa Mimaropa para sa La Niña

Chona Yu Jul 20, 2024
80 Views

AABOT sa P140 milyong pondo ang inilaang standby fund ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduuque, Romblon, at Palawan (Mimaropa) para sa pagpasok ng La Nina.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Nino sa Palawan, sinabi nito na ito ay para masiguro na handa ang gobyerno.

“At [ngayong] paparating na ang tag-ulan, nais kong ipaalam sa inyo na patuloy pong naghahanda ang inyong pamahalaan para sa anumang maaaring mangyari” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa naturang halaga, P5 milyon ang standby funds; P 102,770,100 ang food packs; at P32,342,633.04 para sa non-food items.

Samantala, hindi na nakapunta si Pangulong Marcos sa Romblon para mamahagi ng ayuda dahil sa malakas na ulan.

Sa halip, si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at mga lokal na opisyal na lamang ang namigay ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa Romblon.